Pagtawag, Pagtugon
Pagninilay sa Araw ng Katolikong Layko, Pagpupugay
para kay San Lorenzo Ruiz at Beato Pedro Calungsod
ika-28 ng Setyembre 2012
JOAN CHRISTI S. TROCIO
Maayong hapon kaninyong tanan! Isang bisayang pagbati po ng magandang hapon para sa inyong lahat. His Eminence Most Rev. Ricardo Cardinal Vidal, His Excellency, Bishop Jessie Mendoza, Her Excellency Ambassador Henrietta de Villa, Rev. Fr. Roberto Luanzon, OP, Reverend Bishops, Reverend Fathers, dear sisters, missionaries and catechists, distinguished guests, our dear young people, grace abounds! Unworthy as I am, I feel very honored and truly grateful for having been invited to share to you my experience as a lay Dominican volunteer to Indonesia. Ako po ay magsisimula sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Karamihan po sa atin ay alam na si San Lorenzo Ruiz ay tubong Binondo. Samantalang marami ang mga naisusulat tungkol sa pinagmulan ni Beato Pedro Calungsod. Nariyang siya ay galing Panay, o Leyte, o Samar. Pero mas malapit raw na sa Cebu ang pinangagalingan niya dahil sa apelyido nitong Calungsod. Malapit rin po sa puso ko na tanggaping siya ay taga-Cebu; baka kako iisa lang ang lugar ng aming kapanganakan.
Ang palayaw ko po ay Jho; ipinanganak sa Mandaue, Cebu; lumaki sa bayan ng Heneral Santos sa Mindanao; at dito na po sa Maynila nagkolehiyo at nagkatrabaho.
Nais ko pong hatiin sa tatlong puntos ang aking pagbabahagi: una, ay ang pagtawag; ikalawa ay ang pagtugon; at ikatlo ay ang mga aral na natutunan mula sa pagtugon sa tawag.
Ang Pagtawag
Ang simula raw ng pagmimisyon ay isang pagtawag. Tatawagin ka at ipapadala. Hindi nga ba’t tinawag ni Hesus ang mga apostoles at ipinadala sa mga bayan-bayan? Si San Pedro Calungsod ay tinawag ni Padre Diego para samahan siya sa Marianas. Si San Lorenzo, tinawag ng mga paring dominikano at napadpad sa Japan.
Ang kwento ko po ay malayo sa pagiging ekstra-ordinaryo. Nahihirapan po akong aminin na ako’y tinawag. Hindi po ako tinawag. Nagprisinta po ako. It was in the year 2004, when I first heard of the Dominican Volunteers International (DVI) through Rev. Fr. Clarence Victor Marquez, OP, then Promoter of the Dominican Missions here in the Philippines and Jemely Mesa, a close friend from General Santos City who was the first Filipino lay volunteer to Indonesia. She was telling me how enriching her experience was, that she learned many things from it, and that she has found herself there. Noong kinukwento niya sa akin ‘yun, parang bigla kong naramdamang nawawala din ang sarili ko, at nais ko ring hanapin, at baka dun ko nga mahahanap. I would like to confess that I was excited to volunteer not for any other reasons, but because of the very inviting idea of going to another country. ‘Yun lang po ang dahilan. Parang nakakahiya namang aminin na tinawag ako hindi po ba? Nagprisinta lang talaga ako.
Mula noon, hindi na mawaglit sa aking isipan ang magmisyon, para makapangibang-bayan. Parang may bumubulong sa akin at nagsasabing, “Sige na, umalis ka. Para doon ka, makikita mo ang sarili mo doon.” Sa aking pagninilay, hindi ko po maipaliwanag ng lubusan kung ano nga ba ang aking narinig. Kung totoo nga bang may naririnig ako. Kung totoo nga bang tinatawag ako? Paano nga ba malalaman ‘yun?
Nagdaan pa ang isang taon, hindi po ako nakaalis. Marahil ay hindi ako nagseryoso. Mas pinili kong magtrabaho. May hinawakan akong malaking responsibilidad sa Letran-Calamba noon kaya naisip kong mahirap magpaalam sa trabaho. Galing po ako sa mahirap na pamilya, panganay ako sa limang magkakapatid. Kinailangan kong tumulong sa mga magulang para mapagtapos sila. Iyon din ang isa sa dahilan kung bakit hindi ako natuloy. At marahil dahil hindi nga talaga ako tinatawag.
Masaya na ako sa pagtuturo. Pinalad na malipat dito sa University of Santo Tomas (UST) ng taong 2005, at naipagpatuloy ang pag-aaral. Nakapagtapos ang mga kapatid ko. Nakalimutan ko na ang pagnanais kong magmisyon para makapangibang-bayan. Hanggang dumating ang isang pagsubok sa buhay personal at sa trabaho. Taong 2008, gusto ko nang iwan ang pagtuturo. Hindi ko ginustong maging guro. Pangarap kong maging abogado. Kaya lang, hindi nga ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko sa malalaking eskwelahan. Salamat sa Dominican Sisters of St. Catherine of Siena, sa kanila ako nag aral mula kinder hanggang High School at nung magkokolehiyo na’y nabigyan ng scholarship sa kursong Bachelor in Secondary Education major in Religious Education minor in English literature sa Mother Francisca Catechetical and Missionary Formation Institute sa Siena College, Quezon City.
Nakapagtapos ako sa kursong Edukasyon. Tinawag nga ba ako sa pagtuturo, sa pagiging katekista? Parang hindi rin, parang nagkataon lang na may scholarship ako, no choice ika nga. Salamat at nakapagtrabaho ako sa malaking pamantasan; subalit ‘pag dumadating ang mga pagsubok sa trabaho, ginugusto kong iwan ang pagtuturo. May mga pagkakataon noon na tinatanong ko ang Diyos: “Bakit nangyayari to, Lord. Bakit ako nahihirapan? Bakit ako”? Puro ako tanong noon, ang nakalimutan kong itanong, “para saan po ang lahat ng ito, Lord?”
I was at the most disillusioned part of my life that year, when the international promoter of DVI visited the Philippines. It was April of 2008 when Sr. Rose Ann, OP came to invite volunteers to mission. I presented myself. I wanted to leave. I wanted to escape. I was not called, I volunteered.
But God has His ways, His mysterious ways.
When I was asked where I would want to be sent, without hesitation, I responded “anywhere, where there is a need.” I said the words without second thoughts. I just wanted to go. After careful deliberation on the promoter’s end, I was told that I’d be sent to Indonesia. I was told that the sisters needed someone to help them in their school apostolate. Sr. Rose told me that whenever I would be ready, Indonesia’s ready to receive me.
When I asked permission from my parents, they hesitated to give their support. My parents told me that I should purify my intentions before finally deciding to go. Fears started to creep in. Gusto ko ba talagang magmisyon, o gusto ko lang tumakas? Naalala ko ang kwento ng propetang si Jonah sa Bibliya: hindi nga ba’t hindi niya ginusto na ipadala siya sa Nineveh? Tumakas siya, pero sa hinaba-haba ng kwento, iniluwa din siya sa lugar kung saan ninais ng Diyos na pumaroon siya. Ang kwento ni San Lorenzo, hindi man napatunayang totoo, subalit ang pagtakas niya sa isang kasong kriminal na ibinintang sa kanya ang nagtulak sa kanyang magmisyon sa ibang bayan. Wala naman akong kasong pagpatay o anumang kasong kriminal, subalit dumating lang sa bahagi ng buhay ko noon na gusto kong tumakas, ninais kong magpahinga muna sa pagtuturo. Ang hindi ko inasahan, makakapagpahinga nga ako, sa ibang bayan, oo, pero hindi sa pagtuturo.
Tumakas lang ako. Hindi ako Tinawag. Naalala ko ang isang kwentuhan namin ng kaibigan ko tungkol kay Hesus at ang isang daang tupa, siya raw iyong tupang tangan-tangan ni Hesus. Nung tinanong niya ako kung saan ako dun, nasabi ko na lang, “kailangan pa bang i-memorize yan?” Hindi naman siguro ako nawawala pero ako yung nagpapahabol. “Habulin niyo ako, Lord; dali, Lord, bilis.” Hindi ako tinawag, nagpahabol ako.
But God has His ways. He has His mysterious ways.
While I was preparing this reflection that I am sharing to you this afternoon, I realized some good things. Are these God’s ways? As I was reflecting, I could only stand in awe at how God’s hands work in my life. I never wanted to become a teacher. But here I am today. And if I may recall my High School days, I was not really good in academics way back. I would always find joy in extra-curricular activities. I never received an academic award, but I graduated with a leadership award, and “the Catechist of the Year award.” Yes. I was a student catechist since first year High School. I would remember coming to class late after recess because most of my recess periods were spent teaching catechism in the public school, a kilometer away from my school. I was happy doing things, not really because I so wanted to teach, but because I never really wanted to attend either my Mathematics or Science subjects which were usually scheduled after recess. Tumakas na naman ako. A nice escape, though, I could remember very vividly the happy times that I spent with the little kids, who would happily wait for me at the door, and how they would participate actively in the prayers and the songs that I would teach them. Katekista ako. Isa akong guro.
God has His ways. His mysterious ways.
Ang Pagtugon
May kanya-kanyang paraan nga siguro ang pagtawag ng Diyos. At may samu’t saring kwento din ang pagtugon.
Because I was not really convinced with my very reason of going, it took me months to discern. I had been praying, yes. But, perhaps, I had not prayed enough. My closest friends told me to ask for signs. I told God that I did not want to pray for signs not because I do not believe in them, but because I do not know how to read them. Nevertheless, I continued praying for guidance. A month, two months, three months… then saying “yes” happened at an unplanned time. I was waiting for a friend at around 5 in the afternoon. We were going somewhere and agreed to meet up in front of the UST chapel. But for some reasons, it seems that I waited for eternity, so I decided to get inside the chapel while the mass was going on. I was not really disposed for the Eucharistic celebration, so I was just there at the back sitting silently. After communion, the priest-presider introduced a concelebrant. And I could never forget how he was introduced. I quote, “We have with us Fr. Robini, OP, an Indonesian priest who is here today to invite young people to help in the Dominican missions in Indonesia.” Is this a sign? I heard myself asking the question. It was August 6, the feast of the Transfiguration. Before I stood up and left the chapel, I whispered, “Yes, Lord, I will go!”
Permission was granted, papers were processed. On October 14, 2008, during my send-off mass, Fr. Quirico Pedregosa, OP, the then Father Provincial of the Dominican Province of the Philippines, in his homily, told me, “Joan, fall in love with Indonesia.”
I first set foot in Indonesia on October 18, 2008. I stayed in the Generalate House in Jakarta for almost a month in preparation for my work. It was the 15th day of November in 2008 when I was transferred to Cirebon, a Muslim-dominated town in West Java.
Sa kumbento ako tumira. Habang pumapasok ako sa kumbento sa unang pagkakataon ay samu’t sari ang aking naramdaman. Hindi ko maipaliwanag. The first thing I noticed when I entered was “big”– everything in the Sisters’ place – the big trees, the big doors, the big rooms, the big laundry area, the big kitchen, big mosquitoes! Everything was big! I felt a certain kind of uneasiness. ‘Yun bang tipong sa mga pelikulang horror ko lang nakikita. Ni hindi nga ako nanonood ng pelikulang horror, dahil malakas ang imahinasyon ko. Iyon ang unang problemang kinaharap ko. Totoong may mga naranasan akong kakaiba, at nung kinuwento ko sa mga madre, sabi nila, hindi raw k’se ako nagpaalam na ililipat ko ang pwesto ng kama sa kwarto. Normal lang daw na maranasan ‘yun ng mga bagong salta. Nagkwento pa ang isang madre na noong una raw siyang dumating doon ay may tumawag sa kanya ng hatinggabi, hindi niya kilala, pero kilala siya; ‘pag ayaw raw niyang maniwala, lumabas siya at nasa may punong manga raw ang tumatawag. Eh, ang punong manga po na iyon ay nasa tapat na tapat ng kwarto ko! ‘Nay ko po! Hindi ko alam kung binibiro lang ako ng mga madre. Pero, unang araw ko pa lang sa kumbento, parang ayaw ko na, uuwi na yata ako!
But Indonesian people are naturally kind-hearted. The sisters warmly welcomed me in their home. Sa kabutihang ipinakita sa akin, unti-unti kong natutunang yakapin ang kanilang kultura. Sa kumbento, kasama ako sa halos lahat ng mga gawain ng mga madre. Sa gawaing-bahay, tuwing sabado’t linggo ay katulong ako sa pagluluto; may mga pagkakataong ipinagluluto ko sila ng mga paborito kong ulam Pinoy. Sa almusal, tanghalian at hapunan, kasama ko sila sa iisang hapag. Kasama ko sila sa araw-araw na misa sa kumbento tuwing ika-5:30 ng umaga, sa bawat dasal at pagninilay, morning prayers, evening praise at night prayer. Hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa ang unang bahasang dasal-awit na natutunan ko. Hayaan niyo pong awitin ko ang ilang linya, “ajarilah kami bahasa cinta mu, agar kami dekat pada mu Ya tuhan ku, ajarilah kami bahasa cinta Mu agar kami dekat pada mu” na sa wikang Filipino ay nangangahulugang: “turuan mo kami Panginoon sa wika ng Iyong pag-ibig, nang sa gayon ay lalo kaming mapalapit sa iyo.”
Naikot ko ang halos lahat ng kumbento ng mga madre. Mayroon silang labingtatlong kumbento, isa lang ang hindi ko napuntahan, iyong sa Flores Island na araw ang bibilangin sa biyahe. Tumira din ako ng ilang buwan at tumulong sa orphanage house ng mga madre. Nagkaroon din ako ng mga teaching-learning sessions sa kanila. May conversational English and Speech classes, at Catechism classes para sa mga madre, mga guro mula pre-School hanggang Highs School, para sa mga empleyado’t mga kasambahay namin sa kumbento, at sa mga estudyante ng junior at senior High School. At meron din akong theater classes sa mga piling kabataan sa eskwelahan at sa pinakamalapit na parokya. Magkahalong muslim at katoliko ang mga estudyante ko, maliban lang sa Catechism classes. Kung hindi naman ako nagtuturo, ay makikita akong tumutulong sa canteen. Paminsan - minsan naman sa kumbento ay may mga simpleng dance lessons kami ng mga madre; kaya sa mga maiikling programa sa eskwelahan at parokya, may mga madre nang nagsasayaw.
They learned from me, I learned from them. I learned a lot from them. Pagbalik ko nga rito, sa isang programang pasasalamat ng Institute of Religion para sa mga janitors at security guards tuwing Pasko dito sa UST, ay itunuro ko ang sayaw na poco-poco; natutunan ko ‘yun sa mga madre. Sa parokya ng Santa Teresita dito sa Mayon street kung saan may mga ilang sesyon ako sa mga kabataan, sa ilang sesyon ko sa mga kapatid ko sa Catechetical and Missionary Formation Institute sa Siena College, at sa ilang mga grupo ng mga katekista sa ilang panig ng bansa, ay nagagamit ko ang ilan sa mga natutunan ko sa Indonesia. They learned from me, I learned from them. I learned a lot from them.
One of the most challenging yet enriching experiences that I would always cherish was my encounter with our Muslim friends. My encounter with them did not happen so much in the classroom but mostly outside work hours. Naimbitahan ako sa mga bahay nila, kumakaing kasama nila, nakikipagkuwentuhan; nasaksihan ko ang ilang mga rito tulad ng kasal at paglilibing.
I remember one conversation I had with a Muslim friend. We were talking about faith. We were exchanging stories of beliefs and disbeliefs. And he told me, “Kalau disini, yang persoalan mu, bukan hanya persoalan horizontal tetapi lebih, persoalan bertical.” (The challenge for you here now is not anymore horizontal but vertical), He meant that the difficulties encountered with work and with people I am with are more challenging than the challenge of the faith. I could not agree less. In a predominantly Muslim country, the challenge really is not about human relationships, but keeping the faith alive, amidst other faiths.
Language plays an important role in mission. I had to learn Bahasa to be able to communicate and gain people’s trust. I did not have time to study the language when I was here, because things happened very quickly then, kaya nahirapan ako noong simula. May mga pagkakataong ayaw ko nang makipag-usap noon, magturo na lang; bahala na kung naintindihan nila o hindi. Ang tahimik nila noong una, hindi dahil ayaw nilang magsalita, kung hindi nahihiya raw silang magkamali. I took it as a positive hint. Pipilitin kong mag bahasa, kahit hindi tama, makapagsalita lang, at matututunan ko rin ang tama. I told them how difficult it was for me to speak their language, but I had to try to communicate with them, so in the same manner, they might want to try to learn to speak English, too. In two month’s time, with all humility, I admit that I could already speak and understand Bahasa Indonesia with a certain degree of confidence.
When the International Promoter, Sr. Rose Ann came to visit us in March of 2009, she was surprised to hear the sisters speak confidently to her. I could not forget her words, she said, “The last time I came, they could barely say a word, they would just give me a smile.” What a real joy to my heart, a sweet recognition of our joint efforts. Noon pong kaarawan ko, ‘pag gising ko, may mga cards na isiningit sa pintuan ko ang mga madre, nakasulat sa wikang Ingles. Tuwang-tuwa akong basahin. Ang mga estudyante ko ay naghanda ng maikling programa gamit ang mga tula at awiting Ingles – A real joy to my soul.
Fr. Pedregosa was right. I have fallen in love. Like the “big” everything in the Sisters’ convent, the people’s hearts are “big” enough to embrace the world - A truly great surprise to my soul and my heart became ever more ready for greater surprises.
Ang pagtugon ay naging biyaya ng Diyos. I realized then, that with the overwhelming joy of being with other people in another culture, of establishing friendships with people of another faith, I forgot the very first reason why I volunteered to go to Indonesia. I experienced peace amidst unrest. I realized that peace is not necessarily experienced after the storm, but can also be that calmness during the storm.
Indeed, God knows us, and just at the right moment, He steps in!
Marahil nga ay tinatawag ako; ang hindi ko lang alam gawin ay kung paano sumagot sa tawag. Pero dahil kilala tayo ng Diyos, kung nahihirapan tayong sumagot, tutulungan Niya tayong sumagot. Napagtanto kong ang pagtugon sa tawag ay nakasalalay sa tiwalang ibinibigay natin sa Diyos.
Ito ang isang aral na natutunan ko sa pagtugon sa tawag. Ang pinakamabisang baon sa pagmimisyon ay tiwala sa dakilang pag-ibig ng Diyos.
Ang Aral na Natutunan mula sa Pagtugon sa Tawag
Wala akong kakilala ni isang Dominikanong pari roon, sa pangalan ko lang sila nakilala. Nakikita ko sila noon sa seminaryo sa Letran sa Calamba. Noong nagsisimula pa lamang sila, naging magkapitbahay kami pero hindi kami nakakapag-usap. Akalain mong sa mismong bayan pala nila ko sila makakasalamuha. Tumutulong din ako sa mga paring Dominikano sa pagbibigay ng recollection sa mga paaralan. Naroon ako noong binubuo ang Dominikan Awam, Bahasa for Tertiary of the Order of Preachers. Marami na akong nakilala’t nakasalamuha na noong simula’y walang-wala. Kung ika’y walang kakilala, mahirap iyon, hindi ba? Kaya nga siguro ang mga apostoles, pinadala ng dala-dalawa; si San Pedro may Padre Diego; si San Lorenzo, may mga paring Dominikano. Ako, mag-isang bumiyahe lulan ng eroplano. My Indonesian journey was a leap to the unknown – a leap of faith. Ang natutunan ko ay magtiwala, magtiwala, magtiwala.
Ito rin marahil ang naging mabisang sandatang dala-dala ng ating huwarang mga Santo. Unworthy as I am to compare my little faith with the greatness of their faith in God, but my struggle to keep my faith alive, brings me down to my knees, always.
Sabi nila, the more that we receive gifts from God, the more responsible He expects us to be. Sabi ko noon sa mga dasal ko: “Lord, please do not trust me this much.” Hindi ko na po kaya ang iba. Minsan puro na lang ako reklamo. May mga pagkakataong nakikita ko ang sarili kong gusto na ring sumuko. May mga hindi naiiwasang pagsubok ‘pag nasa ibang bayan ka at malayo sa pamilya, pagsubok sa mismong lugar kung nasaan naroon ka, at pagsubok mula sa lugar na iniwan mo. Sa isa sa mga pagninilay ko, naalala ko ang sinabi ni Santa Teresita ng Batang Hesus, “The gifts that are given to us are measured by the trust that we give God.” Napagtanto kong ang kakayahan natin ay nasusukat sa laki ng tiwala natin sa Diyos.
Naalala ko ang kwento ni Fr. Gerard Timoner, ang Prior Provincial ng Dominican Province of the Philippines, sa isa sa kanyang mga homiliya noong nagkaroon kami ng community service sa Naga para sa UST Simbahayan 400 (paumanhin ho, kung may mga ilang detalye akong makakalimutan). May ama raw na tinuturuan ang anak na harapin ang mga pagsubok sa buhay ng buong lakas. Dinala niya ang anak sa hardin, at inutusang itulak ang isang pirasong malaking kahoy ng kanyang buong lakas. Itinulak ng anak sa unang pagkakataon, hindi niya kinaya. Pinaalala ng ama, “anak, itulak mo ng iyong buong lakas.” Sa pangalawang pagkakatao’y itinulak ulit, hindi pa rin kinaya. “Anak, naririnig mo ba ako? Itulak mo ng iyong buong lakas.” Sa ikatlong pagkakataon ay sumuko na ang anak. “Tay, hindi ko kaya.” Ang sabi ng ama, “Anak, hindi mo ako pinakinggan. Ang sabi ko itulak mo ng iyong buong lakas. Hindi mo kinaya, dahil kulang ang iyong lakas, hindi mo hiningi ang tulong ko.”
Sa mga oras na iyon, napagtanto kong sa bawat pagkakataon na pakiramdam ko ay hindi ko na kinakaya ang lahat, ay ang mga pagkakataong nakalimutan kong humingi ng tulong sa Diyos. Tiwala lang sa Diyos ang sandata. Maging si Santo Domingo noong nagmimisyon, malaking tiwala sa Diyos ang baon. Naalala ko ang isang kwento tungkol sa pagmimisyon niya sa bayan ng mga heretikong Albigensiano. Isang gabi ay nakituloy siya sa isang bahay at ang may-ari ay nakipagdebate sa kanya magdamag. Naging malumanay si Santo Domingo, naging bukas sa pakikipag-usap, at bago tuluyang humiwalay ang gabi sa umaga, nahimok niya ang kadebate, nagbagong loob. The Dominican way to mission is kindness, openness and trust in the Lord.
I had to choose leaving a young professional’s lifestyle, a relatively favored salary for a period of one year. Sa kabutihang loob ng mga madre, binibigyan ako ng allowance para sa mga personal na pangangailangan, shampoo, sabon, toothpaste, etc. na nagkakahalaga ng limang daang libo buwan-buwan. Limang daang libong rupiah, o P2,500.00. Pero ni minsan hindi ko naramdamang kulang ito. There was not a single moment that I remember needing anything. I was fully embraced by God’s providence and people’s generosity.
When I told my closest friends of my plan to take a leave of absence without pay, some of them gave me that “you-will-not-be-able-to-survive” look. The decision was unpopular. Leaving families and friends, and old ways behind – unconventional, but there is one thing I learned, trust in God, and you will see the pain of detachment as a blessing.
Kinailangan kong lumayo para lumapit. Kinailangan kong mawalan para magkaroon.
My Indonesian experience brought me closer to the God I believe in – the God Whom I questioned during those periods of disillusionment, the same God Who brought me to solitude, to a home away from home, for me to recognize my need of Him. Kinailangan kong lumayo para lumapit.
I might have missed many things from home and from school in that span of one year, but the many good things I gained are immeasurable. Lessons learned, friendships established, faith deepened. Kinailangan kong mawalan, para magkaroon.
Tiwala sa Diyos ang pinakamabisang baon. Indeed, what God calls us to, He equips us for. Where God leads us to, He enables…
Inspirasyon natin ang ating huwarang mga Santong Pilipino. Hindi kinailangang mamatay o patayin katulad ng mga huwarang Santo natin. It may be a truism to say that not all are called to physically lay down one’s life for the sake of the Gospel, but we are all called to respond to the Gospel by studying it more and striving to practice this in our daily lives through our passion for truth and compassion for humanity. Hindi kailangang grandioso ang ating gagawin; sa maliliit na paraan ay sikapin nating tumulong sa simbahan, sa parokyang ating kinabibilangan. Ika nga sa Pondo ng Pinoy natin, “anumang maliit, basta’t malimit ay patungong langit.”
Halikayo’t tingnan natin ang imahen ng dalawang Santong binibigyang pugay natin sa hapong ito. Halikayo’t tingnan natin ang kanilang mga mata, nang makita natin ang nakita nilang kabutihan ng Diyos, ang kabutihan ng Diyos na ibinahagi nila sa mundo, ang kabutihan ng Diyos na nagdala sa kanila sa kabanalan.
Taong 2004 nang una kong makilala ang Dominican Volunteers International; apat na taon pagkatapos noon, umalis ako para tumugon; apat na taon mula nang ako’y tumugon, heto ako ngayon sa inyong harapan, buong kagalakang ibinabahagi ang aking pagiging guro, isang katekista, isang laykong lingkod. Ika nga ni Archbishop Luis Antonio Tagle sa kanyang homiliya, “ang pananatiling maging layko ay desisyon.” Maraming pagkakataon naman na ako’y mahikayat na magmadre, subalit pinili kong manatiling laykong lingkod. I am a lay not by chance but by decision and by the grace of God. Salamat sa Dominican Sisters of St. Catherine Siena, salamat sa Dominican Province of the Philippines, salamat sa Dominican Volunteers International, salamat sa Dominican Fathers and Sisters of Indonesia. Salamat sa Diyos! Sa aking pagtatapos, samahan ninyo po ako sa isang panalangin ng isang laikong lingkod:
Mangusap ka sa akin, Panginoon
Sa gitna ng pagkabalisa ng kalooban
Sa kabila ng pagkaligalig ng isipan
Papanatagin mo ako, Panginoon
Katulad ng mga huwarang
Santong Pilipino
San Lorenzo ng Maynila at
San Pedro ng Cebu
Mapabuti ko nawa at
tunay na mahalin
Pagiging laykong lingkod
na siya kong tungkulin
Heto ako Panginoon
Tulungan mo akong makinig
Turuan mo akong makiramdam
Ihanda mo akong sumunod
Sa lahat ng aking mga gampanin
Nawa’y malaman ng aking puso
Hindi ang nais ko
Kundi ang nais Mong sumaIyo ako.
San Lorenzo Ruiz at
San Pedro Calungsod,
Ipanalangin ninyo kami.
Amen.
ABOUT THE SHARER:
A religious educator since 1999, JOAN CHRISTI S. TROCIO is an Associate Professor in the University of Santo Tomas - Institute of Religion. She is a graduate of Master’s degree in Education major in Religious and Values Education with specialization in Formative Counseling and Spiritual Direction at De La Salle University Manila in 2003, and is now a candidate for Doctorate of Philosophy in Development Education major in Socio-Cultural Development at the UST Graduate School. She actively engages in community theater and in community development works and services.
KEYWORDS:
Vocation, Mission, Special, Indonesia